I’m on a Diet!
Recently lang (mga last week) that i noticed na lumolobo na naman ako. Ibig sabihin tumataba nanaman ako. And it bothered me, baka kasi bumalik nanaman ako sa almost-obese figure ko way back pa noong elementary ako. Nagpursige talaga ako na magpapayat noong summer before ako maghighschool. I want a new life. I don’t want to experience iyong mga nangyari sa akin noong elementary days sa highschool life ko. So nagtulungan kaming magkakamag-anak na papayatin ako. At naging succesful naman. Although may konting fats pa rin. Mas okay na akong tingnan kesa sa dati. Ayoko kasing makita ako ng new classmates ko na mataba. Kaya nga nagpapayat ako. And another reason kung bakit ako nagpapayat ay dahil my dad showed me pictures kung ano na daw ang itsura ng heart ko. And it bothered me, baka kasi mamatay ako ng maaga. Kasi alala ko pa, iyong heart na nasa picture ay nababalutan ng color yellow na fats daw. E, it’s so disgusting kaya. Kaya i immediately asked my mother at iyong iba ko pang relatives na iwatch iyong pagkain ko. Kaya ayon, buti naman at naagapan.
Pero sa totoo lang, patpatin ako noong araw. Mga 2-3 y/o palang ako. Mga tipong kasimpayat ko si Gener. Pero noong nagstart na akong pumasok o magschool, bigla na lang ako nagkagana kumain ng kumain hanggang bumagsak ako sa pagiging overweight at almost-obese na pangangatawan.
Pero dahil sa sipag at tiyaga. I met my goal na katawan. Pero last week nga, medyo nawawala na ang aking pagsisikap. Lumalaki na nga uli ako. And it really bothered me. Kaya nagstart na uli ako magdiet at magpapayat. At dahli i aspire to be amodel na rin at may makadiscover sa akin sa college. Kahit na bansot ang inyong lingkod.
Ilang months (years pa nga ata) ako nagdiet at nagpapayat. Diet. DIET! DIET!!!!
I got tired of it kaya nga lumobo nanaman ako. Pero regrets nga ay laging nasa huli. Pero kung maagapan naman. E di, magdiet ulit! Panibagong yugto nanaman ito ng pagdidiet at pagpapayat. But first, what is diet nga ba?
Actually maraming ibig sabihin ang diet. Maaaring ito ang lifestyle ng pagkain mo o iyong nakasanayan mo na ng pagkain. Maaari din naman na ito iyon dami ng intake ng food mo. Pero what i’m pertaining to, is iyong diet na controlled iyong intake ng food. Oho controlled nga po. Usually, itong diet na ito ay for weight-loss talaga.
Pero paano nga ba ako magdiet at magpapayat?
1. Sa pagkain ko ng meals everyday, I make sure na tama lang iyong amount ng food sa plate ko. Isang trick na ginagawa ko ay. I only get, siguro one-third portion lang ng isang cup na kanin. Tapos iniispread ko sa plate para magmukhang marami. Tapos, sa viand naman. Marami akong kinukuha. Ang amount ng viand dapat sa kanin sa bawat subo ay 3:1.
2. Eat variety of foods. Hindi ako nakukuntento sa iisang ulam lang. Dapat lagi may gulay o ibang ulam. Ayoko kasi na nagsstay lang sa isang lasa iyong kinakain ko. Pero usually talaga, gulay ang kasama ng bawat ulam ko.
3. Pagkakain ko. Laging toothbrush agad ang ginagawa ko. This way, mapipigilan ko ng kumain ulit. Kasi nga diba. If nagtoothbrush ka na. Then you try to eat something, iyong taste ng food ay magchachange. At parang papait. Kaya sa paraang ito, hindi mo na itutuloy ang pagkain.
4. Ako ang naghuhugas ng pinggang every after naming kumain. This way, maiiwasan mong umupo or humiga pagkakain. Basta, there is a reason kung bakit hindi dapat umupo or mahiga pagkakain.
5. Dati, everyday akong naglalakad galing sa bahay to UPLB. Iikutin ko lang iyong buong campus tapos babalik na rin ako sa bahay. Saka pag naggagala ako or even pupunta lang ako sa isang lugar. I don’t commute. I walk lang talaga. Pero if sobrang layo naman ng pupuntahan ko, i don’t force myself na maglakad. Saka may advantage talaga ito, bukod sa tipid na. Parang exercise na rin ito.
*So, iyan lang naman halos ang natatandaan kong ginagawa ko pag nagpapapayat e. Effective naman siguro. Pero ang number one tip ko talaga, be determined talaga. Dapat determined ka talaga to lose weight. Kasi kung hindi, bale wala rin ang pagpapapayat mo. Wala rin mangyayari.
Loading...