Spokening Dollar
dahil nosebleed ang mag-inggles

Dugo’t Ilong

*Tila kay tagal na rin ng ako’y huling gumamit ng wikang filipino. Kay tagal na rin ng ako’y huling bumisita rito. Kaya heto, ako’y nagbabalik. Nagbabalik ng permanente? Panahon lamang ang makakasagot.

Kapaskuhan,
Ako’y iyong puntahan.
Sa aking kahariang,
Tila isang kawalan.

Kalungkutan,
Ako’y iyong dinalaw.
Matang namumugto.
Tila gustong tumulo.

Kasiyahan,
Bakit ka muling lumisan.
Kay tagal kang inasam.
Ngunit sayo’y bale-wala lamang.

Katapusan,
Ginulo ang aking katahimikan.
Puros katanungan nanaman,
Ang iyong hatid, O, Katapusan.

walang magawa….

No Responses to “Dugo’t Ilong”

Leave a Reply